Pumunta sa nilalaman

Cirilo Bautista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Cirilo F. Bautista
Kapanganakan
Cirilo F. Bautista

9 Hulyo 1941(1941-07-09)
Kamatayan6 Mayo 2018(2018-05-06) (edad 76)
NasyonalidadPilipino
Kilala sa"Summer Suns", "Words and Battlefields", "The Trilogy of Saint Lazarus", "Stories", "Galaw ng Asoge", "In Many Ways: Poems 2012 -2016"
ParangalPambansang Alagad ng Sining, Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame, Gawad Balagtas, Makata ng Taon, 2012 Gawad CCP Para sa Sining, Achievement Award ng National Commission for Culture and the Arts
LaranganLiteratura
Pinag-aralan/KasanayanUnibersidad ng Santo Tomas, Unibersidad ng St. Louis, Unibersidad ng De La Salle
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Literatura
2014

Si Cirilo F. Bautista (Hulyo 9, 1941 – Mayo 6, 2018) ay isang makata, manunulat, guro at pintor.[1][2] Inihayag siya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa literatura noong 2014.[3]

Unang yugto ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Cirilo F. Bautista noong Hulyo 9, 1941 sa Maynila at lumaki sa Balic-Balic sa Sampaloc.[2] Ikinasal siya kay Rose Marie Jimenez at nagkaroon ng mga anak.[4]

Nagtapos ng elementarya si Cirilo Bautista sa Paaralang Elementarya ng Legarda noong 1954 bilang unang karangalan banggit at ng sekundaryang edukasyon sa Mataas na Paaralan ng Victorino Mapa noong 1958 bilang balediktoryan.[5]

Nakuha ni Cirilo Bautista ang Batsilyer sa Sining sa Ingles sa Unibersidad ng Santo Tomas bilang Magna Cum Laude, ang Master sa Sining sa Literatura sa Unibersidad ng St. Louis sa Baguio bilang Magna Cum Laude at Doktorado sa Sining sa Wika at Literatura mula sa Unibersidad ng De La Salle.[6] Nabigyan din siya ng honorary degree mula sa International Program ng Unibersidad ng Iowa.[2]

Nagturo si Cirilo Bautista sa Unibersidad ng St. Louis, Kolehiyo ng San Beda kung saan siya ay Professor Emeritus para sa Literatura, Unibersidad ng Santo Tomas kung saan siya ay Senior Associate sa Center for Creative Writing and Studies at sa Unibersidad ng De La Salle.[2][6] Siya ay naging Professor Emeritus sa Literatura at nakasama sa board of advisors ng Bienvenido Santos Creative Writing Center ng Unibersidad ng De La Salle.[1][2] Naging guro din siya sa Unibersidad ng Waseda sa Hapon at Unibersidad ng Ohio sa Estados Unidos.[6]

Siya rin ay naging literary editor at kolumnista sa magasin na Philippine Panorama ng Manila Bulletin.[2]

Kabilang sa mga nagawang akda ni cirilo Bautista ay ang "Summer Suns" noong 1963, "Stories" noong 1990, "Words and Battlefields" noong 1998, "The Trilogy of Saint Lazarus" noong 2001 na kinabibilangan ng "The Archipelago", "Telex Moon" at "Sunlight on Broken Stones" at "Galaw ng Asoge" noong 2003.[1][6][4]

Nakagawa siya ng mahigit sa dalawampung libro at ang pinakahuli ay ang koleksiyon ng mga tula na pinamagatang "In Many Ways: Poems 2012 -2016" na nailathala noong 2018.[2]

Siya ay naging daan sa pagkakatatag ng Baguio Writers Club, Philippine Literary Arts Council noong 1981, at Iligan National Writers Workshop noong 1993.[6][1] Pinondohan din niya ang Cirilo F. Bautista Prize para sa short fiction sa National Book Award.[2]

Mga parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa bisa ng isang proklamasyon ay ipinahayag na Pambansang Alagad ng Sining sa literatura si Cirilo Bautista noong 2014.[3]

Nakabilang na siya sa Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1995.[6] Bukod dito, natanggap din niya ang Gawad Balagtas mula sa Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas noong 1997 at ang unang gantimpala sa patimpalak ng National Centennial Commission noong 1998.[2][4]

Idineklara siyang Makata ng Taon ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 1993 at tumanggap siya ng 2012 Gawad CCP Para sa Sining para sa literatura.[6][7] Ginawaran din siya ng Achievement Award ng National Commission for Culture and the Arts noong 2013.[8]

Noong Mayo 6, 2018 ay pumanaw si Cirilo Bautista sa edad na 76 taong gulang.[6][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Order of National Artists: Cirilo F. Bautista". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Nobiyembre 2020. Nakuha noong 7 November 2020. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 2.8 De Vera, Ruel S. (Mayo 6, 2018). "National Artist for Literature Cirilo F. Bautista, 76, writes 30". Lifestyle.Inq. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 7 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Proclamation No. 809, s. 2014 Declaring Cirilo F. Bautista As National Artist For Literature". Official Gazette. Republic of the Philippines. June 20, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 7 November 2020. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Dacanay, Alvin I. (Mayo 7, 2018). "National Artist Cirilo F. Bautista, 76". Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2022. Nakuha noong 7 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Coldora, Elmer B. (Hunyo 13, 2018). "From humble beginnings to National Artist". The Varsitarian. The Varsitarian. Nakuha noong 7 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6 6.7 "Center for Campus Art". De La Salle-College of Saint Benilde. De La Salle-College of Saint Benilde. Nakuha noong 7 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  7. "Gawad CCP awards Asia's oldest creative writing program". GMA News Online. GMA Network. Marso 5, 2013. Nakuha noong 13 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. de Guzman, Nickky Faustine P. (Mayo 6, 2018). "Poet Cirilo Bautista, 76". BusinessWorld. BusinessWorld Publishing. Nakuha noong 7 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)